Tagged by : Hannah and Jovi...
rules: each player of this game starts with 6 weird things about you..! people who get tagged need to write a post of their own 6 weird things as well as state the rule clearly..! in the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names..! don't forget to leave a comment that says you are tagged in their comments and tell them to read your blog..! =]
I. Isa sa mga Hygiene dark secrets ko... Once a day ako magtoothbrush... actually.. lately... once a day na ako mag toothbrush... pero before... nung mas bata talaga ako... may 3-5 days na hindi ako nagtoo-toothbrush.. di ko lang sure kung umabot ng isang linggo... basta... super rare.. kasi hindi ko binibigyan ng importansya yun.. kasi dati wala ako pake.. di naman mabaho hininga ko kahit di ako magtoothbrush... Well, kung hindi pa weird enough yung sinasabi ko na once a day... well... nakakapagtaka lang... na kahit ganun ako kakonti mag toothbrush, since bata ako... wala akong CAVITY o kahit anong BUTAS sa ngipin... ^_^... ang weird lang kasi.. akala ng dentist ko, madalas ako magtoothbrush kasi alagang alaga daw.. hahaha... well, mali siya.. =)
II. Both hand prints, straight yung line sa gitna... weird siya actually... ganito itsura niya.. (---)_ _(---)... pero basta, mukhang number 7... di tulad ng iba... M yung nakikita.. tapos weird, kasi yung line "coast-to-coast" ng hands ko... so pag dinikit ko yung 2 kamay ko... 1 straight line.. =P... weird.. pero sabi nila... lucky ako... nag observe din ako ng ibang tao.. at usually, nakikita ko lang isang kamay lang nila yung may straight.. so sa akin.. 2 straight =P...
III. Hindi ako nag de-deodorant... believe it or not... hindi talaga ako nagde-deo... well.. nag deo ako ONCE... yung nauso yung DEO-STICK.. yung may commercial pa ng mga lalake na sumasayaw sa banyo ng "EVERYBODY"... hahaha... mga 11 ata ako nun.. anyway... tinakas ko... at naglagay ako... well... twice ko lang swinipe.. meaning 2 days.. tapos di ko na naubos... yun last time ko naglagay ^_^... pero... im proud, kasi wala naman ata amoy yung kili-kili ko.. so far... =P...
IV. Unusual skill ko... na kahit anong sports siguro, kaya ko gawin... actually.. yeah... hindi ko sinasabi magaling ako.. pero kaya ko siya... and... actually.. pag sineryoso ko, pwede pa ako maging above sa mga normal... Example... Basketball, Softball, Soccer, Swimming, Table Tennis, Chess (sports ba toh? pero milo best ako before ^_^), Boxing, Billiards.. Etc etc... I am somehow... stubborn and lazy to focus on one sport... kaya hindi ako gumagaling sa mga yan...
V. Nail Biting... bakit weird... okay... nagstart ako i think, 5yrs old... then may certain year... na hindi talaga ako kumagat.. 8-9yrs old ata ako nun... and.. akala ko.. nawala na talaga... tapos... yun, one day, binite ko yung nails ko.. at naubos ko ule lahat ng sa fingers ko... then... bumalik na siya... until now... im still biting my nails.. O_O... and for additional info... i think the last time na gumamit ako ng nail cutter... well, in other words, last time na ginupit ko LAHAT ng kuko ko... was grade 5 pa ata... kasi may prize sa akin mom ko nun.. pero that was once O_O... and my darkest ever secret sa nail biting... na wala pa ako nasasabihan... may time na kinagat ko yung nails ko sa toes, kasi naubos na yung sa fingers.. fave ko kagatin yung mga ingrown... O_O.. eeww.. pero konting times lang yun talaga... (kadiri ko grabe.. weird!!)
VI. Takot ako sa "Ferris" (orig na sinabi ko Ferry's) Wheel (tignan mo, di ko pa alam yung spelling.. tinanong ko pa kay Jovi...), sa sobrang takot ko, hindi ko alam paano ispell na! hahaha.. hindi siya phobia... pero talagang, pagnakikita ko siya... nagoo-goosebumps ako for no reasons... parang may feeling na masusuka ako... kasi iniimagine ko kapag andun ako... parang nawawala yung kaluluwa ko... di ko alam, pero super weird! kasi sumakay na ako sa mga pinaka nakakatakot na roller coaster sa america.. (*ehem* yung incredible hulk, na 10 times ko sinakyan... na may 6 loops, at mga 1-2mins ang tagal)... pero sa ganun kabagal... at pareho lang naman ng height... natatakot ako... hindi ko talaga ma explain.. sobrang... 1st and last time ko sumakay.. hindi ko tinanggal hawak ko sa pole sa gitna, at nakapikit ako...
Wala na ako ita-tag... kasi lahat ata na tag na.. =P
(well... dapat madami pa.. pero inaantok na ako O_O...)